Wood Tumblr Themes

KATHLEEN CIELO SANTIAGO is the name (:

If you are interested in knowing me MORE, feel free to send me messages or take a look at my pictures but do not expect too much, and keep your sense of humor (:

Siya yung taong hindi ko kailanman naisip na magugustuhan ko. At mas lalong hindi ko naisip na mamahalin ko pala. NANG GANiTO.

Darwin Buelo Mabana.

Unang una, hindi ako mapagpatol sa mas bata sakin. Well, isang taon lang naman ang tanda ko sa kanya but then hindi ko pa din keri pero dahil mahal ko siya at mahal na mahal ko na siya, o siya sige na nga.

Hahaha XD

Saya saya ko lang kasi getting strong iyong relationship namen at napakaswerte ko lang kasi dahil iyon sa kanya. Sa totoo lang, siya yung talagang nakakapagdala ng relasyon namen. Kasi ako madalas iyong kada may problema mabilis gumive-up. May sayad kasi ako e. Haha kaya mahal na mahal ko talaga siya. Siya kasi iyong lalaki na hindi ka talaga hahayaang mawala. Iyong paparamdam sayo na mahal ka talaga niya. Iyong hindi nahihiyang humingi ng sorry kung kinakailangan at iyong tao na talagang alam mong mapagkakatiwalaan.

He really is SOMETHiNG. That’s why I really love him.

Sa lahat nang pinagdaanan namin para lang mapanindigan iyong relasyon namen sa mga kamag anak ko sa side ni mommy, sa lahat nang ginawa at pinatunayan niya, hinding hindi ko iyon kakalimutan at babalik balikan ko iyon sa tuwing gusto ko nang sumuko.

Sana siya na talaga. Kasi ngayon ko lang naramdaman iyong ganito. Iyong makakita ng taong kahit na magkalayo kayo e mararamdaman mo iyong pagmamahal niya, Napakaswerte ko na mahal niya ko. Na nakilala ko siya kasi walang taong nakagawa ng lahaaat ng nagawa niya para sakin kaya naman talagang papahalagahan ko siya. PANGAKO.

Darwin Buelo Mabana, mahal na mahal na mahal talaga kita. Babe, mahal, iloveyou && imissyousooooomuch!

I may no longer talking to people who i used to talk everyday but that doesn't mean that i left them or i have forgotten about them. I just distance myself for some reasons, maybe it will better off this way. But i am still here, waiting for them to talk to me and miss me.
mingdliu:

This is what I fear.This is what I never want.This is what I will not become.
Ming D. Liu

mingdliu:

This is what I fear.
This is what I never want.
This is what I will not become.

Ming D. Liu

Bukas na uwi namen sa Bicol. Waaaaah. Sinusulit ko tong tumblr. Hindi ko alam ang aabutan ko doon eh. Malamang walang wi fi doon. How sad :(((

Hmmm. Nakakatakot iyong mga pictures na in-upload ko kanina sa fb. Kuha iyon noong pumunta kame sa MOA. Doon sa mga shots na nakapalda nako. (pangalawang punta namin sa MOA for my physical exam), nakakatakot kasi may mga parang dugo at putik. Wala naman iyon noong una. Sabi ni tabz, masamang pangitain daw iyon. Wag daw muna akong bumyahe. Haaays. Sana naman wala lang iyon. Nakakatakot lang kasi wala talagang mga ganon nung bago naming kuha iyon eh. Saka malinis sa banyo. Waaaaah

image

Tignan niyo maigi iyong first photo. Doon lang sa salamin merong parang dugo at putik. Dapat mag aappear din iyon sa may likod ng paa ko kung madumi doon sa pinuwestuhan ko.

Yung second photo naman at the right, may parang blood sa may ulo ko. You see?

Sa third photo, yung mukha ko ang dungis diyan oh? Tapos sa last photo, sa may ilong ko. Parang may maliit lang siya na dumi.

See?

Nakakatakot dobo? Pero sana wala lang iyan. Sana OA lang ako. Praning ba? Haaays sana talaga.

Anyway, kung sakali mang mamatay ako. Salamat in advance sa lahat ng naging parte ng buong existence ko lalo na sa mga naging tunay kong kaibigan. Mahal na mahal ko kayo. Sa pamilya ko, magulang, lalung lalo na sa mga kapatid ko kahit sa mga other sides pa yan mahal na mahal ko din kayo. Sorry kung hindi ako naging best pero sana naging enough ako para sa inyo.

Sa mahal ko, sana alam mong mahal kita kaso hindi yata eh. Hahaha mahal na mahal na mahal kita. Ewan ko ba! Ikaw lang talaga eh. Ikaw pa rin. Kaya nga hindi ako nagboboyfriend eh. Iniintay kasi kita. Busy ka kasi eh. Kaso, hindi ka na yata darating. Iyong mga posts mo, alam mo winiwish ko na sana para sa akin iyon. Ayoko naman kasing mag assume eh. Sana parehas pa rin tayo ng nararamdaman. Haaays. Gusto kita puntahan sa mga oras na ito kasi bukas na alis ko kaso nahihiya ako. Wala naman kasi akong kayang sabihin eh. Gusto lang kitang yakapin. Waaaaah. Sana makita ulet kita. Matatagalan iyon alam ko pero sana pag dumating iyong araw na iyon. PWEDE NA TAYO.

Ge, hanggang dito na lang. Madrama ba? Sorry na. Maganda na iyong ready. Basta ah, lahat kayong family, friends and love one. Even my enemies and haters, love ko kayo.

Gusto ni “kuya” na makita ko bago man lang ako umuwi ng Bicol. Sinabi niya iyon nung magkachat kame. Sinabi ko na wag na kasi magiging busy na ko pero sabe niya pupunta pa rin siya at mag iintay na lang siya. Kainis lang kasi kahit sinabi ko na wag na, nag assume ako na pupunta siya. Sabi niyae. Hmp talkshit lang. Tsk nagbago na siya. Dati naman tumutupad talaga siya sa usapan at kahit humihindi ako nag iintay at pumupunta talaga siya. Tao nga naman. Anyway, people change at ayoko na masyadong inintidihin iyong ginawa niyang pang iindian saken. Same time same place daw eh putek wala pang alas syete nandon nako. Tsk! Akalain niyo yun? Isang oras mahigit ako nagmukang tanga. HAHAHA hmp! Tawa na lang.

Haaaays. Buti na lang may taga rescue. Nawala pagkadismaya ko. Tumawag sakin si Conrad at ayun, nagmeet kame. Muntanga ngae. Antahimik niya (nahihiya yata?) Anyway, nice meeting you sa kanya at mukha naman siyang mabait. (kaso mahiyain) HAHAHA (o baka sa una lang)

Ge, hanggang dito na lang ang wala kong kwentang post.

Bukas na pala uwi ko ng Bicol. Haaays. Di man lang kita nakita ulet bago man lang ako umalis :( Wala na ako masabi,

Mamimiss kita.

Tagal na din noong last akong nakapagblog ah. Mukhang kailangang kong sulitin to dahil hindi ko sigurado kung magkakaroon pa ako ng pagkakataon na makapag tumblr kapag nasa Bicol na ako.

Hahaha XD Hindi pa ko umaalis pero namimiss ko na agad yung mga maiiwanan ko. Lalo na si bff ko :(

Haaays. Tabz tabz tabz, mamimiss ko talaga siya. I wonder kung ano mangyayari saken pag nasa Bicol na ako. Wala kasi siya doon eh. Para sakin, siya ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko ngayon. Sobra ko talaga siyang minamahal at alam ko, kahit na wala na ako dito sa Manila, patuloy ko pa rin siyang mamahalin. Siya lang kasi nakakaintindi saken eh. Naalala ko tuloy nung nag apply ako sa MOA. Nung naipasa ko yung unang interview, proud na proud siya saken nun. Hahaha kaloka ngae. Noong mga panahon na yun, siya pa yung mas kinakabahan kaysa sa akin. Tapos noong mga panahon din na yun, matyaga siyang naghintay doon sa waiting shed malapit sa mga pinapasukan kong Bldgs. Bawal kasi siya sa loob eh. Diba ang swerte ko to have her? Napaka supportive niya kasi. Haha hmm kaya lubos talaga kong nagpapasalamat sa lahat ng efforts na binibigay niya para saken. Mahal na mahal ko yun. Kahit ang gastos niyang kasama. Hays nababankrupt talaga ako pag kasama ko siya, magugutumin kasi eh. Daya ngae. Kahit anong kain nun hindi siya tumataba e mas matakaw naman siya saken.

Hahaha tapos noong ikalawang balik naman namin sa MOA. For Physical exam nako kasi naipasa ko yung dalawang interviews. Antagal namin sa MOA nun kasi nalate ako sa 11am ko na sched kaya nagpareschedule pa ng 3pm. Imagine diba antagal naming nag intay? Hahaha nagreklamo siya nun pero no choice naman kame eh kundi mag intay. Noong isinalang nako sa Physical exam, lumabas ako ng sawi nun sa loob ng clinic kasi hindi ako nakapasa sa eye test. Sobrang labo na pala kasi ng mata ko. I mean, ng paningin ko plus yung dental pa dahil may 2 akong sirang ngipin. Nanlumo talaga ako nun kasi yung makapasa sa interviews, ang hirap hirap na ng pinagdaanan ko tapos nung akala kong okay na, sure win na saka pa nagkaproblema. After nun wala nakong imik masyado. Hahaha chinicheer niya nga ko pero wa epek eh. Pinanghinaan na talaga ko ng loob kasi pinapabalik na naman ako the next day. Syempre sa super stress, nagutom ako. Pumunta kame ng Baclaran para kumain. Hahaha tapos sa sobrang curious namin kung san yung simbahan nagpunta na din kame doon. Hahaha epic ngae. Pagkapasuk na pagkapasok namin naiyak na agad ako. Wala lang. sobrang pighati lang nung naramdaman ko. Hahaha tapos nung pumunta na kami sa may wishing well, naiyak na naman ako. Wala na nasira na yung make up ko. Nagdideny pa nga ko nun eh. Pinagtatawanan kame nung mga tao sa paligid kasi sinasabe ko umiiyak ako dahil nasira yung make up ko. Touch na touch ako nun sa kanya kasi alam niya kahit hindi ako magsalita kung ano talaga iyong iniyak ko. Hahaha tapos noong nasa bus na kami pauwi, magkahiwalay kami ng inupuan pero magkasunuran lang. Parehas kasi nameng gusto sa may bintana. Umiiyak ako nun sa pwesto ko tapos bigla siyang nagtext, Lalo lang akong naiyak sa tinext niya kasi sabi niya proud na proud siya sakin at kung gano niya ko pinagmamalaki dahil sa napagdaan ko dahil sa lintek na trabaho na yun. Hahaha gaga yun eh wrong timing magdrama pero that’s the reason why I sooo love her.

I will always have her. Yung pagkakaibigan namin, I swear to God hindi yun matatapos dahil lang aalis ako. Sisiguraduhin kong iyon palang iyong magiging simula,

Iloveyou tabz. Forever and Always :)